Three Basic Shots: Buhay sa mga lusaw na kandila
ni Cabuello, Shannia Angel F. BAJ 2-1D Digital Imaging


Buhay sa mga lusaw na kandila
ni Cabuello, Shannia Angel F.
Matiyagang nag-aalok ng panindang kandila ang isang ginang nitong Sabado de Gloria, ika-30 ng Marso, 2024, sa labas ng Quiapo Church kung saan maraming mananampalataya ang dumayo mula pa sa iba’t-ibang rehiyon.Â
Sa halagang isang daang piso, mayroon ka nang isang tali ng sampung iba't-ibang kulay na kandilang may kanya-kanyang simbolo. Habang humihiling ang kanyang mga mamimili, nakikipagkuwentuhan siya at ibinabahagi ang silbi ng pagtitirik ng kandila.Â
Para sa kanya, malaki at malalim ang kahulugan nito higit lalo sa kanyang buhay. Nagbibigay raw ito ng kapayapaan, kaginhawaan, at kaliwanagan. Naniniwala rin siyang mula umpisa hanggang dulo, nariyan ang kandila.
"Laging may kandila sa buhay natin… mula noong sanggol pa lang tayo.. sa binyag. At hanggang mamatay tayo, magtitirik pa rin ng kandila."
Ayon din sa kanya, kung matututong maniwala ang mga bumibili, maraming kahilingan ang matutupad. Pabiro niyang inilahad na isa na rito ang lagi niyang hiling na maubos ang kanyang paninda nang may maiuwing hapunan sa kanyang pamilya.Â