

San Agustin Church
Habang nasa Intramuros ako noong ika 4 ng Mayo kasama ng aking kapatid na babae at kaibigan nitong lalaki, ay bigla kaming napadaan sa San Agustin Church at napaisip bakit ang daming tao sa araw na ito. Kakatapos lamang namin maglibot libot sa mga pambansang museyo noong araw na iyon at napagpasyahang libutin naman ang Intramuros nang bandang hapon. Naalala ko na maliban sa araw ng Linggo ang araw na iyon ay dagsain talaga ng mga tao ang simbahang ito kahit na sa ibang araw dahil ito ang tinaguriang oldest church sa buong Pilipinas.
Sa totoo lang, hindi ko batid na ang simbahang katoliko na aming nadaanan at pinaghintuan saglit ay tinatawag na San Agustin church. Wala akong idea pero nang marinig ko ang dalawang taong naguusap patungkol sa simbayang ito ay saka ko lamang napagtanto na ito pala ang San Agustin Chuch. Ito ay naka-locate sa loob ng Intramuros at natapos gawin noong 1607 at ito rin ang pinakamatandang batong simbahan sa ating bansa.
May mga tao akong nakitang may mga ngiting nakapaskil sa kanilang labi habang papasok sa simbahan, ang iba naman ay seryoso, ang iba ay malungkot at ang iba naman ay hindi ko mawari ang ekspresyon. May mga magbabarmadang sama samang pumasok, may isang buong pamilya, may mga magkasintahan, at ang iba naman ay solo lamang. Ano't ano pa man ay naalala ko bigla ang aking sarili, ako na minsan ginawa na din ito sa aking buhay.
Ako ay dati ring katoliko na nagdadasal kada linggo at napapahinto minsan sa nga katolikong simbahang aking nadadaanan. Ako rin ay sumusunod noon sa pang katolikong paniniwala at tradisyon. Lahat ng iyon ay biglang nanariwa sa akin. Pero 'yun ay noon, tapos na. Sapagkat ako ay yumakap na sa ibang relihiyon, simula ng pumutok ang pandemya ay iyon din ang simula ng pagyakap ko sa ibang relihiyon ay hanggang ngayon, andito pa rin ako za relihiyon na ito.