Sa Pagsikat ng Araw
ni Camasosa, Hazel Anne BAJ 2 - 1N
Sa Pagsikat ng Araw
Maliban sa sahod, iba ang saya kapag nasisilayan ko na ang liwanag mula sa gusali na aking trabaho. Hudyat na ng umaga at malapit nang matapos ang siyam na oras ng pakikipag-usap ko sa mga Amerikano.
Oo, tama ka.Isa akong call center agent, ika nga nila 'Bayaning Puyat. Tuwing makikita ko ang langit na unting-unti nagkakaroon ng liwanag hindi mapakali ang puso ko na isipin ang malinis at mabango kong higaan sa bahay na naghihintay sa akin.
Ngunit madalas pag tapos ng aking trabaho buong gabi bilang isang kolsenter, sa Maynila naman ang aking punta diretso kay Sinta.
Paulit-ulit man at nakakapagod hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa puso ko na balang araw lahat ng puyat at pagod ay daan para makaalis ako sa buhay na meron ako ngayon.
Sa Pagsikat ng Araw
ni Camasosa, Hazel Anne BAJ 2 - 1N