Sa paglubog ng araw
ni Camille Joan R. Cepres BAJ 2-1D
Imbis na paglubog ng araw, naisip kong kuhaan ang pagsilip ng buwan. Aking naramdaman ang malamig na simoy ng hangin kasabay ang pagtama ng sinag ng araw sa huli nitong sandali. Sa kabila ng ingay ng mga sasakyan, naging payapa ang aking kaisipan sa ganda ng tanawing aking nasisilayan. Bigla kong naalala ang bawat hapon kasama ang aking pamilya, ang sama-sama naming pag-abang sa paglubog ng araw hanggang sa dumilim ang kalangitan habang kumakain at nagkukwentuhan. Sa bawat pagdilim ng kalangitan sa paglubog ng araw ay siya namang paglitaw ng buwan upang magbigay liwanag sa gabing magdadaan.
Sa paglubog ng araw ni Camille Joan R. Cepres BAJ 2-1D