Sa Lupang Tinubuan
ni Ochobillo, Roselle E. BAJ 2-2N
Sa ilalim ng tirik na araw dalawang baka ang nagsasalo at nagtitiis sa kaya lamang ibigay ng lupang tinubuan—tuyo't kalbong damo— sapat na para sa buong maghapon.
Tag-araw na naman, temperatura'y waring nasa impyerno tuwing init ay tumatama sa kaibuturan. Samu't-saring paalala "uminom palagi ng tubig" "magpayong at wag mag-paaraw", ngunit hindi lamang ito aplikable sa mga taong tulad natin. Mahalaga rin ito sa ating mga kaibigang hayop tulad ng nasa larawan.
Ngayong nakakapasong init ang humahagod sa buo nating pagkatao, huwag nating kalimutan na miski ang mga hayop sinusumpa ang init sa tinalupan. Kaya't kahit papaano, isilong at bigyan natin sila ng maiinom dahil hindi lang naman tayo ang agrabyado kapag kalikasan na ang trumabaho.
Sa Lupang Tinubuan
ni Ochobillo, Roselle E. BAJ 2-2N