Sa Duyan ni Fujisan
Mula sa malawak na tuktok ng Bundok Onoyama, kung saan ang hangin ay dalisay at sariwa, isang walang-hadlang na tanawin ng sumpungin na Fujisan ang bumungad sa aking pagdating.
Ang paglalakbay patungo sa tuktok ay nagsimula sa Yaga Station 「谷峨駅」Yaga-eki ng Gotemba Line, isang halos tatlong oras na pag-akyat sa hindi naman kahirapan na daan, hanggang sa marating ang karurukan ng 723.1 metrong bundok.
Pagdating sa itaas, malaking kagalakan ang sumalubong sa akin: tatlong batang malayang naglalaro ng frisbee habang pinagmamasdan sila ni Fujisan. Sa sandaling ito, ang aking isipan ay lumipad pabalik sa aking kamusmusan: nakikita ko ang aking sarili na nakikipaghabulan sa aking mga kalaro sa tabi ng ilog, sa paanan ng di-matinag na Sierra Madre.
Sa aming pagbaba mula sa bundok, kami ng aking mga kasama ay huminto sa isang natatanging kainan na nakatago sa gitna ng luntiang kagubatan, hindi kalayuan sa isang kaaya-ayang taniman ng ocha (tsaa). Habang dahan-dahan kong kinukutchara ang nakapapawi na vanilla ice cream, nakita ko agad ang dalawang batang naglalaro sa swing o duyan. Ang swing ay matibay na nakatali sa isang malaking sanga ng makisig na kusunoki (Cinnamomum camphora), ang mga dahon nito'y bagong sibol.
Ang duyan sa lilim ng puno ay duyan ng aking kamusmusan, na nakasabit sa lilim ng isang matandang punong-mangga sa aming bakuran. Bumalik sa aking alaala ang aming munting kanayunan nang hindi pa naaabot ito ng kuryente – isang simpleng panahon na walang telebisyon, walang stereo, at lalong walang mga digital na kagamitan.
Sa duyan ng aking pagkabata, may laya at saya. Sa buong araw na paggalugad sa Bundok Onoyama, isang saglit kong nasulyapan muli ang malinaw pa rin at mahalagang anino ng aking musmos na kahapon.
From the vast summit of Mount Onoyama, where the air was invigorating, an unobstructed view of the moody Fujisan welcomed me upon arrival.
The journey to the peak began at Yaga Station 「谷峨駅」Yaga-eki on the Gotemba Line, a nearly three-hour climb on a not-so-difficult road.
Upon reaching the peak, I was greeted by a charming sight: three children playing frisbee with freedom and joy while Fujisan watched over them. At this moment, my mind flew back to my childhood: I saw myself chasing my playmates along the river, at the foot of the immovable Sierra Madre.
On our way down the mountain, my companions and I stopped at a country restaurant hidden in the middle of a lush forest, not far from a pleasant ocha (tea) plantation. As I slowly scooped the quenching vanilla ice cream, I immediately saw two children playing on the swing. The wooden swing was firmly knotted to a large branch of a handsome kusunoki (Cinnamomum camphora), its young leaves relaxing to the eyes of weary mountaineers.
The swing in the shade of the centuries old tree was the hammock of my childhood, suspended on a branch of an old mango tree in our yard. My memory returned to our small village before electricity had reached it – a simple time without television, without stereo, and especially without any digital devices.
In the hammock of my childhood, there was freedom and joy. During the whole day exploring Mount Onoyama, I briefly glimpsed the still clear and precious shadow of my childhood.
Share this post