#1
Panghuling Gawain para sa Visual Journalism
OCHOBILLO, ROSELLE BAJ 3-2N
Ang huminga, sa pag-abot ng pangarap
Matipid akong tao dahil lumaki ako sa ordinaryong pamilya, marunong magtipid, magtago ng pera, at alam kung paano ito gagastusin nang maayos. Ngunit tunay ngang iba ang hatid na saya ng pagpapahinga.
Noong Pebrero 13, 2026, nang mapagpasyahan namin ng aking kaibigan na dumalaw sa kanilang tahanan sa Batangas. Unang beses kong magbiyahe mag-isa at kasama lamang ang kaibigan. Himalang pinayagan ako ng aking istriktong pamilya; siguro ay dahil kaarawan ko naman bago ang araw na ito.
Sa kanilang tahanan ay sasalubong ang kanilang aalagang aso na si Freya, malusog ito at bagamat nakakatakot kung titignan ito’y ubod ng lambing, siguro kaniyang naramdaman na isa akong mapagmahal sa mga alagang hayop. Hindi ko makakalimutan na isa sya sa bumuo ng mga araw na ako’y nandoon. Sa kaparehong araw, nagtungo kami sa mga lugar doon, nagtampisaw sa malamig na tubig ng dagat…doon lang ako nakaranas na kailangan pang magbangka upang makarating sa mismong isla na aming pupuntahan. Nakakamangha. Hindi rin mawawala ang pagkuha ng magagandang larawan, masayang pinanood rin namin ang mga batang naglalaro sa buhanginan. Marami akong natuklasan tungkol sa lugar na yun. Hinintay lang namin lumubog ang araw saka nagpaalam sa lugar.
Malayo ang dagat sa tahanan ng aking kaibigan, kaya naman hinintay pa namin ang kaniyang pinsan na susundo noong araw na ‘yon. Isa rin sa mga dahilan ng aking pagpunta sa Batangas ay upang matikman ang Lomi Batangas na siyang patok sa lugar! Sino bang ayaw matikman ang lomi na sa murang halaga ay punong-puno na ang mangkok mo, puwede pa kayong maghati ng inyong mga kasama, at tunay nga, babalik-balikan mo ang Lomi Batangas.
At ang hinding-hindi ko makakalimutan sa pahingang iyon ay ang unang beses kong mag-hike. Umakyat ako sa Bundok Batulao sa Nasugbu, Batangas, kasama ang aking kaibigan, doon ko naranasan ang kapayapaan. Hindi naman na ako bago paglalakad sa matatalahib na lugar pero ito ang unang beses na makaakyat ako sa isang bundok na tanaw mo ang siyudad, at ang mga karatig na bundok. Tila napakalapit lamang ng ulap sa aking kinatatayuan.
Noong araw na yun, parang ayoko na umuwi ang sarap sa pakiramdam na puro bundok, talahib lamang ang aking dinadaanan. Huni ng mga ibon ang ang pumapalahaw sa aking pandinig, at asul na langit ang sumasakop sa aking paningin. Dalawang oras lamang namin inakyat ang bundok, ngunit ang pakiramdam ng simoy ng hangin ay damang-dama ko pa rin hanggang ngayon.
Doon ko napagtanto ang kahalagahan ng pagpapahinga. Bilang isang anak, mag-aaral, at lider-estudyante, hindi mo maiiwasang mapagod sa daan patungo sa iyong pangarap, at ito ang isa sa aking paraan ng pagpapahinga—tumigil muna sandali.
Sa dalawang araw na ‘yon naipahinga ko ang aking sarili. Para ngang ang tagal ko nawala dahil sa araw na yun. Iba talaga ang hatid ng kalikasan sa ating kaluluwa. Hindi natin namamalayan na kailangan pala natin ang pagtigil sandali at pagtanaw mula sa itaas na bahagi nito. Isang paalala na sa pag-abot ng ating mga pangarap, kailangan rin nating magpahinga at mahalagang bigyang priyoridad ang sariling pagpapaunlad nang sa gayon mas marami pa tayong bundok, dagat na maabot.
Babalik ako sa Batangas hindi lang para sa lomi o sa bundok at sa dagat, kundi para magpahinga at ipangako sa aking sarili na kapag ako’y nawawala o napapagod na, hindi ko kakalimutang magpahinga sa tuktok ng mga bundok na mayroon ang mayamang bansang Pilipinas.
#2
Agcanas, Joannah Mae O. BAJ 3-2N
Visual Journalism: Panghuling Gawain
Simula at Panghuli
Nang mabasa ko ang panuto para sa panghuling gawaing ang paglalahad ng sariling danas tila ba kusang bumalik ang aking isipan sa isang pamilyar na ala-ala. Walang iba kundi ang aking naging simula sa pakikipagsapalaran sa loob ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang pup ay hindi lamang naging lunduyan ng aking mga pangarap kundi naging saksi rin sa aking personal na paglago bilang isang kolehiyo. Sariwa pa sa aking alaala ang araw na natanggap ko ang opisyal na email mula sa unibersidad na nagsasabing ako ay pumasa bilang isang bagong mag-aaral ng PUP, napuno ng tuwa ang aking naramdaman ng araw na iyon gayunpaman, mabilis na napalitan ng matinding pangamba ang aking puso. Batid ng bawat aplikante sa PUP ang isang malupit na katotohanan, ang pagpasa sa pagsusulit ay kalahati lamang ng laban. Ang mas malaking hamon ay ang mismong araw ng enrollment, kung saan ang mga kurso ay parang mabilis na nauubos na paninda. Hindi lahat ng pumapasa ay pinalad na makuha ang kanilang pinapangarap na landas.
Ang nais ko sana makuhang kurso ay ang Psychology. Gabi-gabi, bago sumapit ang aking iskedyul, mariin akong nanalangin sa maykapal. Humiling ako na sana, kahit isang maliit na puwang o huling slot man lang, ay may matira para sa akin. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nararamdaman ko ang bigat ng katotohanan. Isa ang Psychology sa mga kursong mabilis na naglalaho na parang bula kapag nagsimula na ang pilahan. At hindi nga ako nagkamali. Sa araw ng aking pagdating sa PUP, sinalubong ako ng isang malamig na reyalidad sa nakapaskil na anunsyong ubos na ang slots para sa aking pinapangarap na kurso. Sa sandaling iyon, kailangan kong mamili ng mabilis. Sa gitna ng ingay, init, at siksikan ng mga tao, tinanong ko ang aking sarili kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Doon ko sinubok ang aking tapang na tahakin ang isang landas na kailanman ay hindi ko binalak. Ang mundo ng peryodismo. Dali-dali akong pumila para makapagsimulang makapag-enroll sa pagaaral ng pamamahayag.
Pumasok ako sa kursong ito na may bitbit na mabigat na pagsubok sa kung papaano bago ang lahat sa akin at wala akong kaalam-alam o sapat na karanasan sa pagsusulat ng balita, pakikipanayam, o sa mismong kalakaran ng media. Sa kabila ng mga tanong sa aking isipan, muli akong humingi ng gabay sa Panginoon na huwag akong pabayaan sa bago kong tatahaking landas. Ang sagot sa aking mga panalangin ay hindi dumating sa anyo ng isang mahiwagang tinig, kundi sa pamamagitan ng mismong karanasan sa loob ng unibersidad.
Dumating ang araw ng Balik Sinta. Nilibot ko ang bawat sulok, bawat gusali, at bawat silid. Doon ko unang nasaksihan ang tunay na mukha ng Sintang Paaralan. Hindi lamang pala ito basta isang institusyon ng edukasyon. Sa aking paglalakad, nakita ko ang mararahas ngunit rasyonal na panawagan ng mga mag-aaral. Narinig ko ang sabay-sabay na pag-iskandalo at pag-awit para sa karagdagang pondo ng paaralan at para sa pagtatanggol ng mga karapatan, Ang PUP ay isang buhay na organismo na puno ng pagtangis, hindi dahil sa kahinaan, kundi dahil sa galit laban sa korapsyon at sistemikong kapabayaan.
Ang aking araw-araw na paglalakbay patungo sa pangarap na ito ay hindi naging madali. Saksi ang mahabang kahabaan ng Luzon Avenue at ang siksikan, maalinsangan, at maingay na mga tren ng LRT kung paano ako hinuhubog ng bawat lumilipas na araw. Sa bawat pagod na pagsakay at pagbaba, sa bawat puyat at pagmamadali, unti-unti akong binubuo ng sistema at ng aking kapaligiran. Ang bawat biyahe ay naging isang malaking parte ng aking buhay-kolehiyo, Ito man ay puno ng pagkaantala, pagod, ngunit sigurado ko na may destinasyon na aking paroonan.
Sa bawat placard na nakataas at sa bawat boses na umalingawngaw sa loob ng unibersidad, unti-unting nagkaroon ng malalim na kahulugan ang aking kurso. Napagtanto ko na ang pagiging peryodista ay hindi lamang isang alternatibong kurso dahil nawalan ako ng slot sa Psychology. Ito ay isang importanteng kurso upang matulungan ang masa. Doon ko rin natagpuan ang kagustuhang maging boses ng mga walang boses at maipahayag sa buong mundo ang bawat sigaw at hinaing ng masa.
Pumasok ako sa unibersidad na ito na isang hilaw na kabataan na puno ng pangamba, takot, saya, at kalungkutan na magkahalo sa aking dibdib. Ngunit sa pagpapatuloy ko sa kursong pamamahayag, unti-unting napapawi ang mga alinlangan. Dahil sa dulo ng lahat ng paghihirap na ito, iisa lamang ang aking pinanghahawakang layunin. Ang makatayo sa entablado, suot ang itim na toga, at makapagtapos ng kursong ito na may bitbit na parangal na iaalay ko nang buong puso para sa aking mga magulang. Sila ang aking lakas, at ang PUP ang aking naging pandayan.
#3
Eugenio, Abel S.
BAJ 3-2N
Visual Journalism
June 8, 2026
Panghuling Gawain sa Visual Journalism
“GREEN RED”
I have always loved the color GREEN, whether it is on clothes, designs, or other stuff. However, I like it the most when it is part of our surroundings, such as plants and trees. It is very calming and pleasing to my eyes, which is why I really love going to places where there is an abundance of green leaves.
On June 4, 2026, I decided to go to Arroceros Forest Park, a riverside urban forest park in Manila, Philippines, located on Antonio Villegas Street (formerly Calle Arroceros) in the central district of Ermita. This 2.1-hectare forest park is home to six kinds of birds and indigenous plants such as palms, flowering trees, and century-old trees. Arroceros Forest Park is also known as Manila’s “Last Lung” because it is the only existing forest park in Metro Manila today. In 1993, the City of Manila bought the lot of Arroceros Forest Park from Landbank using the Special Education Fund (Lakbay Diwa Pinas, 2024). Additionally, the park was once the site of a wet market, a garrison, and other government buildings.
During my stay there, I felt so at peace. The cool breeze, the shades of green, and the buzzing sounds of nature — all of it filled my mind perfectly. It calmed my thoughts and gave me time to reflect deeply on myself. Furthermore, I was also happy to see different animals there, such as the koi fish in the pond and different types of birds in the trees, as well as various species of plants and trees, such as the “narra” and many more. While exploring this mini forest, I could also see different people enjoying the area. Some students were practicing exercises, others were sitting on benches talking, and some were reading books while admiring the peaceful scenery. I realized that there are many people like me who also long for “green spaces” or parks in our cities. Moreover, forest parks like this are not only aesthetically pleasing places, but they also serve important purposes in nature, such as providing habitats for animals, offering cool shade, filtering air pollution, and regulating temperatures in urban areas.






On my way home, I realized the agonizing commute that I would face. The overwhelming RED lights of traffic, the loud noises of crowds and vehicles, the pungent smell of smoke and polluted air, the exhausting walk, the heavy traffic, and the claustrophobic feeling induced by the crowd all weighed on me. Thinking about it, instead of going home relaxed because of the peace I found in the park, I was only going home stressed and drained. This just made my solo trip seem pointless. I should have just stayed at home instead of having a staring contest with those red traffic lights and enduring the brutal commute.
This experience is not only a one-time thing; it is the daily reality of many Filipinos — the suffocating and chaotic transport system in the Philippines. If we only had a better public transportation system, along with better road planning and more eco-friendly designs and landscapes, we would not have to face these challenges. There would be no long and time-consuming travel times to reach the destinations we want to go to. We could allocate those minutes and hours to more productive activities, such as resting after a long day, spending time with our loved ones, and other meaningful pursuits. I am not asking us to go back to the ancient era. I know that there are new innovations, and our society will continue to modernize. I just hope that the next time I step outside, I will see more green than red. May we learn to make things more eco-friendly and better balanced with nature, and may the government make things more convenient for its citizens.
Multimedia visualization:
1. [Video] G-Drive Link:
https://drive.google.com/drive/folders/1BpQ6zCG0ieImU9lDr0HS9gh6Lvn7s8jj?usp=sharing
2. [Pictures]: Attached in the email in .jpeg format.
3. [Infographic] Canva Link: https://canva.link/yb3nvwmlixbvzeh (also attached in the email in .jpeg format)
REFERENCES:
Lakbay Diwa Pinas. (2024). Arroceros Forest Park: The Last Lung of Manila. Lakbay Diwa. https://www.lakbaydiwapinas.com/blog/arroceros-forest-park-the-last-lung-of-manila
Lamentillo, A. M. (2024). Improving public transportation. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2024/7/11/improving-public-transportation
Ti, W. (2026, April). Parks in our city. INQUIRER.net. https://business.inquirer.net/587193/parks-in-our-city
#4












