Padyak
Ni Paula Moralejo BAJ 2-1N
Mainit ang hangin na sumasalubong habang patuloy ang pagpadyak. Sa harap ng lumang bisikleta, nakasalansan ang mga gamit—mga plastik, lumang lata, at sirang kasangkapan na siguro’y maaari pang maibenta. Hindi marami, pero sapat na para may maiuwi sa naghihintay na pamilya.
Sa gitna ng kalsada, nakikipagsabayan sa mga mabilis na sasakyan—pulang kotse na paatras, abong kotse sa harap, dambuhalang trak sa likuran. Sa pagitan nila, isang bisikletang may kalawang na kadena, isang pares ng pagod na paa, at isang katawang sanay na sa bigat ng mundo.
Sa bawat padyak hindi na naiisip gaano pa kalayo. Wala mang preno pero tuloy lang.
Padyak
Ni Paula Moralejo BAJ 2-1N