

Maryl Angela De Mesa
BA Journalism 2-2N
Digital Imaging Gawain 2: Three Basic Shots
Malaking Tilapia
Sa lawa ng Sampaloc ay matatagpuan ang malaking tilapia, simbolo ng kabuhayan ng lungsod. Sa aming pag iikot, nakita namin ang mga San Pableño na naghahagis ng pamingwit sa tubig, nag-iintay sa kalabit ng isdang kumagat sa pain.
Sa aming pamilya, ang isang ulam na hindi mawawala sa hapag kainan ay tilapia. Prito, inihaw, o sinabawan, asahan na laging may tilapia kahit anong okasyon. Mag-aagawan pa ang mga magpipinsan para sa malutong na buntot at tiyan, maswerte pa kung may itlog.
Sa bahay ng aming mame, dalawang bagay ang hindi mawawala tuwing may salo-salo: tawanan at tilapia.
Location: Sampaloc Lake, San Pablo City Laguna
Date taken: April 16, 2025