

Sandra Margarette S. Mercado
BAJ 2-2N
Gawain #2: Three Basic Shots
Location: Crystal Cove Island in Aklan, Boracay
“Kalachuchi”
Kalachuchi
Sa aming paglalakad palabas ng Crystal Cove Island sa Boracay bandang ala una ng hapon noong ika-7 ng Abril, isang puno ng Kalachuchi o Plumeria na namukadkad ang pumukaw sa aking atensyon.
Ang isla ay pinaliligiran ng iba't ibang klase ng mga halaman katulad na lamang ng gumamela, ngunit ang kalachuchi na ito ang namukod tangi sa aking paningin. Matingkad ang pagkakulay dilaw at puti nito, kakaiba rin ang hugis ng mga dahon dahil ito ay pabilog. Agaw pansin ang ganda lalo na't kapag ito'y nasisinagan ng araw.
Sabi nila, kadalasan daw nagsisimulang magbunga ang puno ng kalachuchi tuwing Marso hanggang Mayo. Kahit panahon ng tag-init at pagod man sa paglibot ng isla, napawi ito nang tuluyan noong makita ko nang malapitan ang bulaklak na ito dahil maaliwalas itong pagmasdan sa mata.
