Gabing Puno ng Pangarap
ni Tercino, John Gabriel B. BAJ 2-1N
Alas otso na ng gabi ay laman pa rin ng court sina Jayce, Anne, at Charmaine; hindi alintana ang oras, masilayan lang ang naglalakasang palo at solidong depensa na balang araw ay magawa rin nila ang mga ito. Si Anne ay nagmula sa pamilya ng mga atleta, si Jayce ay iniidolo ang kapatid na nakapaglaro na ng volleyball sa Maynila, at si Charmaine naman ay likas na mahilig sa larangan ng pampalakasan. Iba-iba man ang dahilan para pagbutihin ang kanilang sarili, iisa pa rin ang kanilang destinasyon—ang pagsisikap at sakripisyo nila ang magiging pundasyon ng kahusayan sa larong volleyball.
Tercino, John Gabriel B.
BAJ 2-1N
Digital Imaging
Caption: Gabing Puno ng Pangarap