Doon sa Duyan
ni Mallari, Krisha May Unica V.
Huwebes ng hapon. Hindi gaano kasikatan ang araw. Pagkatapos ng klase, dalawang bata ang mabilis na tumakbo, diretso palaruan, kahit ang mga damit na suot ay pamasok pa. Baka kasi maagawan sila sa dadalwang swing na nakatayo roon. Doon sila, magkatabi, umupo, at nagsimulang magduyan.
Sa mga sandaling iyon, sila’y malaya. Malaya mula sa bigat ng mundo, sa mga alalahanin at pangarap na kailangan pang abutin. Ang tanging iniisip lang nila ay ang sarap ng hangin na humahampas sa kanilang mukha—siguro pati ang asignatura na kailangang ipasa kinabukasan, pero mamaya na iyon. Ang mahalaga, hindi sila naagawan doon sa duyan.
Mallari, Krisha May Unica V.
Digital Imaging
BAJ 2-2N Gawain Bilang #1
“Doon sa Duyan”