Buhay sa Iba’t Ibang Buhay
ni John Andrew Orante BAJ 2-2N
Buhay sa Iba’t Ibang Buhay
Mahirap ang mabuhay,
May buhay na bumubuhay ng isa pang buhay
May buhay na hindi alintana kung paano mabuhay
May buhay na tumatakbo, may buhay na nagpapagal.
habang may buhay na hindi makatakbo sa bigat ng dinadala.
Iba-iba ang buhay.
Iba-iba ang takbo ng buhay.
Iba-iba ang paraan ng pagbuhay.
Pero sa huli, iisa lang ang tanong sa bawat buhay
Paano nga ba mabuhay sa ganitong klase ng buhay?
ni John Andrew Orante BAJ 2-2N
Buhay sa Iba’t Ibang Buhay