Bente Kwatro Oras na Paglaban kaakibat ang de-Gulong na Tindahan
Larawang-Sanaysay ni Aniza Mae G. Laniosa. BAJ 2-1N
Bente Kwatro Oras na Paglaban kaakibat ang de-Gulong na Tindahan
ni Aniza Mae G. Laniosa. BAJ 2-1N
Sa katirikan ng araw ay hindi alintana ni Nanay Marivic ang panahon upang makapag tinda dahil ito lamang ang tangi niyang pinagkukunan ng kabuhayan.


1. De-gulong na tidahan ni Nanay Marivic sa tanghaling tapat
2. Sirang bentilador at walang laman na kahera dahil sa tumal ng benta
Ang kaniyang asthma ay hindi naging hadlang sa ginugugol niyang bente kwatro oras na pagtitinda at damang tindi na init ng panahon dahil siya na lamang ang bumubuhay sa kaniyang sarili.


3. Si Nanay Marivic habang naghihintay ng bibili
4. Mga display na damit sa dating pagmamay-aring ukayan ni Nanay Marivic
Si Nanay Marivic ay 64 taong gulang na at ang pagtitinda ng mga inumin, balot, abnoy, penoy, chicharon, kendi at sigarilyo na lulan ng kaniyang de-gulong na tidahan ay isa lamang sa mga naging trabaho niya simula noong magkahiwalay sila ng kaniyang asawa. Naranasan niya na mag-lako ng mga lutong ulam sa loob pitong taon at mag-tinda ng ukay-ukay bago ang pandemya.Â



5. Dalawang malaking cooler na lagayan ng softdrinks at iilang bote na binili sa buong mag-hapong pagtitinda
6. Sa kabila ng magandang pwesto dahil babaaan ng pasahero ang pwesto ni Nanay Marivic ay walang bumibili sa tanghaling tapat
7. Balot, abnoy, penoy, chicharon at softdrinks ang pangunahing paninda ni Nanay Marivic
Ang dating ukay-ukay niya ay kinailangang ihinto dahil sa pagtaas ng renta ng inuupahang pwesto na kasalukuyang nasa tapat ng kaniyang maliit na tindahan. Minabuti niyang piliin ang pagtitinda ng mga balot dahil mas maliit ang kailangang puhunan dito kumpara sa ukay-ukay na umaabot ng 50,000 para sa pagbili ng bultuhang damit.Â
Dahil halos buong araw ang pagtitinda ni Nanay Marivic ay pa minsan-minsa’y pumapalit sa pagtitinda ang kaniyang mga kapatid lalo na kapag siya ay inaatake ng asthma. Gustuhin man niyang tumigil sa pagtitinda dahil sa karamdaman, wala siyang maibabayad sa kaniyang inuupahang bahay, hinuhulugang utang sa bombay at pambili ng gamot.


8. Pag-hiwa ni Nanay Marivic sa ibebentang abnoy
9. Patong-patong na hinihiwang abnoy
Ang nag-iisa niyang anak ay pamilyado na at mas pinipili niyang huwag obligahin ito sa pagbibigay dahil alam niya ang hirap ng buhay.Â


10. Pag-aayos ni Nanay Marivic sa mga naka-display na panindaÂ
11. Ang buena mano sa pagbili ng gulaman
Inamin niya na masaya siya sa kaniyang ginagawa kahit hindi sapat ang kinikita at mahirap ang trabahong ito para sa kaniyang kalagayan dahil ang pakikihalubilo sa kaniyang mga parokyano ang isa sa mga hindi niya magagawa kapag mag-isa lamang siyang mananatili sa bahay
.
12. Ang matumal na hapon ni Nanay Marivic sa pagtitinda