Bagyo, Payo, Negosyo!
ni JUAYMAH RENOAH IZZY M. FERRER BAJ 3-2N MULTIMEDIA JOURNALISM
Lahat naman tayo ay nangangarap magkaroon ng negosyo, marami rin sa atin na ang nagiging mindset na "madali ang magnegosyo basta ang lugar ay matao", at ang laging sumasagip sa ating mga isipan ang negosyong tindahang dahil mas madali at common, pero naiisip din ba natin ang kanilang karanasan, paghihirap, at mga pagsubok na kanilang nararanasan sa araw-araw na pagnenegosyo para mabuhay at magkaroon nang ipapakain sa pamilya. Kaya tunghayan natin ang buhay nang pagkakaroon ng tindahan para mabuhay at may maipakain para sa ating mga pamilya.
Katulad na lang na aking nakilala rito na si Merly Puyong, na limangpu't tatlong taong gulang, na nakatira sa Pasig City na kung saan doon din nakapwesto ang kaniyang munting tindahan sa gitna ng palengke ng Pasig. Nasabi rin niya na sa awa ng Diyos, ang tindahan niya ay limang taon nang nakatayo at patuloy na napapatakbo ang negosyong tindahan ni Merly.
Nabanggit din niya na sa limang taon niyang pagpapatakbo ng negosyo, marami rin siyang mga pagsubok na kinakaharap sa araw-araw na pagtitinda.
"Syempre, minsan, may mga makukulit na bumibili tapos kailangan mong intindihin at pagtsagaan kasi syempre doon ka kumikita sa kanila" - saad niya
"Mahina rin yung tinda dahil yung mga tao, minsan walang pera, [idagdag] pa yung mga kalamidad na dumating sa ating bansa. Kaya tiyaga lang talaga" dagdag pa niya.
Sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa kaniyang pagnenegosyo, hindi lang palaging pagsubok ang nararanasan ni Merly. May mga magaganda rin siyang karanasan sa pagtatayo ng kaniyang negosyong tindahan.
"Mabenta lalo na kapag yung mga nagbabantay ay maayos at marunong mag-entertain sa tao na bumibili" - sabi niya.
Gayon pa man, nananatiling positibo si Merly sa pagpapatakbo niya ng kaniyang tindahan at paghihiling na sana tumagal pa at mas maging matagumpay pa ang kaniyang tindahan sa mga susunod pa na panahon.
At may iniwan din siyang payo at tips para sa mga taong nagpaplano at nangangarap na magkaroon at magtayo ng isang negosyo katulad ni Merly.
"Sa mga taong gustong mag negosyo na ganitong tindahan, kailangan may sariling puhunan, kung pwede huwag utangin ang puhunan para hindi sumakit ang ulo mo, at syempre, para kumita ka para sa pamilya [at] para guminhawa ang buhay" - pagbibigay niya.
Ito ang mga binitawang mga salita ni Merly para sa atin na hindi imposible ang lahat basta't ikaw ay matiyaga at masipag.Â
Wala naman talagang madali sa buhay natin, laging may problema at pagsubok na kahaharapin; pero sa buhay, hindi mo rin masasabing kaya mo kung hindi mo ito mararanasan at susubukan.