

Bachelor of Arts in Journalism 2-2N
Digital Imaging
Gawain #2: Three Basic Shots (TBS)
Tatlong Saligang Larawan (TSL)
Ate, Sampaguita po
Habang kami’y umiikot sa Greenhills noong ika-13 ng Abril, nakasalubong namin ang dalawang batang babae na may hawak-hawak na mga tali ng sampaguita. “Ate, Sampaguita po” mahina nilang sambit. Gabi-gabi silang naglalako doon hindi upang maglaro kundi para makapagbenta.
Pareho silang pitong taong gulang—maliit pa, ngunit dala na ang bigat ng responsibilidad na hindi para sa kanilang murang edad. Dapat ay nasa tahanan sila, yakap ng pamilya’t libro—hindi ng lansangan at panganib. Ngunit para sa kanila, ang gabi ay hanapbuhay, hindi pahinga. Ito ang reyalidad nila na hindi dapat isawalang-bahala. Sa halip, tulungan natin sila, hindi lang sa pagbili, kundi sa panawagang maprotektahan ang bawat batang hindi pa dapat pinapasan ang mundo.
Tila ang simpleng sampaguita, isang paalala na may mga pangarap pa ring handang magbukas ng kamalayan ng lipunan, kahit na sa mga gabi ng hirap.
LOCATION: Greenhills – San Juan
SHOT TAKEN: April 13, 2025 | 7:30 PM