Ang Dahilan ng Aking Pagpunta sa Japan
Kwentong Japanese-Filipino Children (JFC) ni Megumi YOSHINAGA
Ang Dahilan ng Aking Pagpunta sa Japan
私が日本に行った理由
ni Megumi YOSHINAGA
Magandang gabi po sa inyong lahat.
Ako po si Megumi Yoshinaga, Meg na lang po para sa inyong lahat. Isa po ako sa mga miyembro ng JFC Youth. Ang unang lapag ko rito sa Japan ay taong 2016, para sa bakasyon; ito rin ang unang pagkikita namin ng tatay ko. Pagkatapos po ay bumalik ako sa Pilipinas upang kumuha ng sertipikasyon sa pagtuturo. Taong 2017, nakuha ko po ang aking sertipikasyon at napagdesisyunan ko na bumalik dito sa Japan. Mula po sa taong ito hanggang sa kasalukuyan, ako’y nagtatrabaho bilang isang ALT (Assistant Language Teacher) sa isang pampublikong paaralang elementarya sa Tokyo.
Katulad ninyong lahat, bilang isang JFC na lumaking hindi kasama ang ama, may dahilan ang aking pagpunta at paglalagi rito. Una po sa listahan ay makilala ang aking tatay. Pinalad ako na ang aking ama ay napakabuting tao at ganoon rin ang mga kamag-anak namin. Pangalawa, bilang isa ring anak ng Hapon, gusto kong maranasan ang kultura at pamumuhay nila. Panghuli, nais ko na lumawak pa ang aking pananaw sa iba't ibang uri ng pamumuhay sa labas ng Pilipinas. At lumawak nga po ang aking pananaw. Nasaksihan ko ang kagandahan ng bansang Hapon, pati na rin ang kanilang kahinaan. Dito sa Japan, nasaksihan ko rin ang iba't ibang uri ng mga Pilipino at ang kanilang pamumuhay bilang dayuhan.
Sa pagsampa ko sa bansang Hapon, natunghayan ko ang pagiging disiplinado ng karamihan sa maraming aspeto. Hinahangaan ko ang katangian ito. Hinahangaan ko rin ang kanilang sistema ng edukasyon. Maaaring sila ay mayroong sariling reklamo sa sistemang ito, pero bilang isang Pilipino na nakasaksi sa sitwasyon ng mga kaguruan sa Pilipinas, lalo na sa mga pampublikong paaralan, hinahangad ko na sana mas mahusay ang pamamalakad ng edukasyon sa Pilipinas. Kulang na kulang kasi ang suporta sa mga kaguruan sa Pilipinas.
Katulad ng ibang kultura, may mga katangian na natutunghayan natin na maaring hindi tayo sang-ayon – mga katangian na tinitignan natin bilang pangkalahatan sa kanilang lipunan. Ang masasabi ko na pinakamalayo sa mga katangian na ito (na pinagpapakahalagahan ko) ay iyong hindi sila basta-basta tumatanggap ng pagbabago. Mabagal sila sa aspetong ito. Ito po ay mula lamang sa aking sariling obserbasyon. Kung ano ang nakasanayan ay iyon ang kanilang patuloy na gagawin. Hindi lahat, pero maraming pagkakataon na nasaksihan ko iyon sa pagtatrabaho ko bilang isang guro.
Sa buhay ko, may dalawa po akong pangarap. Una ay para sa sarili ko – maging isang published author. Mahilig po kasi ako sa libro, at mahilig rin sa mga kwento. Pangalawa, ay pangarap para sa mga kapwa ko JFC. Tayong mga JFC – matatag tayo. Pero hindi natin maitatanggi na mayroon sa atin ang mabilis panghinaan ng loob. Nais ko na magkaroon sila ng suporta para matutunan ang tinatawag na emotional intelligence, pati na rin ang pag-iwan sa victim-mentality. Ang pagbabalanse sa dalawang aspeto na ito ay napakahalaga para sa akin.
Sa mga kapwa ko JFC, minsan mahirap ang buhay, minsan magaan, pero subukan pa rin natin na mailabas ang ating potensyal at magsilbing inspirasyon sa ating kapwa. Matutong yakapin, hindi lamang ang ating kalakasan, pati na rin ang kahinaan; parte iyan ng ating pagkatao. At sa huli, nasa atin pa rin ang pagpapasya kung anong uri ng tao ang nais nating maging. Piliin at piliin natin iyong hindi tayo makakaapak ng iba. Iyon lamang po. Maraming salamat.
(Ang mensaheng ito ay binasa ng may akda saThe Japan-Philippines Music Festival na ginanap sa Gramstein, Higashi-Shinjuku noong ika-14 ng Oktubre 2024).
私が日本に行った理由
吉長恵
皆さん、こんばんは。私は吉長恵、メグと呼んでください。私はJFCユースのメンバーの一人です。私が初めてここ日本に来たのは 2016 年、休暇のためでした。そして、この時、私は父と初めて会うことができました。その後、教員免許を取得するためにフィリピンに戻りました。 2017年に免許を取得し、日本に戻ることにしました。その年から現在までずっと日本で暮らしています。
皆さんと同じように、私も日本に来たのには理由があります。父親のいない中で育ったJFCの私としては、理由のリストの一つには父親に会うことでした。幸運だったのは、父がとても良い人で、親戚もとても良い人だったということです。 2 つ目は、私は 1 人の日本人の子として、日本の文化や生活を体験したいと思いました。最後は、フィリピン以外のさまざまなライフスタイルについての視野を広げたいと思ったからです。そして、実際に私の視野も広がりました。日本の美しさと弱さを目の当たりにしました。また、さまざまなタイプのフィリピン人や、外国人としての彼・彼女たちのライフスタイルも目の当たりにしました。
日本に来たとき、多くの人たちがさまざまな場面で規律正しいことに気づきました。その質の高さには感心しています。そして、私は日本の教育システムにも感心しています。もちろん、不満もある人たちはいると思いますが、フィリピンの特に公立学校の教師の状況を知っている私としては、フィリピンにもこんなシステムがあればと願います。フィリピンでは教師へのサポートがあまりに不足しているんです。
他の文化でも同じことですが、私たちが見ていても、同意できないなと感じる特徴的なことがあるのは確かです。それは、私たちとしては、この社会に不可欠であると考えられるものです。しかし、そうした私が大切だと思うことでも、彼・彼女たちは変化を簡単には受け入れることはありません。その点では彼・彼女たちは遅れています。ただし、これはあくまで私自身の観察によるものです。彼・彼女たちにとっては慣習的なものを続けることが大切のようです。もちろん、すべてではありませんが、私は教師としての仕事の中でそれを何度も経験しました。
私の人生には2つの夢があります。 1つ目は私自身の夢で、作家になって本を出版することです。私は本が大好きで、物語も大好きだからです。 2つ目は、JFCの仲間たちのためになることをしたいです。JFCのみなさん、強くなりましょう! もちろん、すぐに落ち込んでしまう人がいることは確かです。でも私は、みんなが被害者意識から抜け出すために、感情的指数と呼ばれるものを学ぶためのサポートを得てほしいと思っています。この2 つの私の夢をバランスよくとっていくことが私にとって大切なことです。
JFCの皆さん、人生は時には大変なこともあれば、時には楽なこともありますが、それでも自分の可能性を引き出し、周りの人たちにインスピレーションを与えるようがんばっていきましょう。自分の長所だけでなく、短所も受け入れることを学びましょう。それは私たちの個性の一部で、最終的にどのような人間になりたいかは私たち次第です。他人を踏みにじらないものを選んで進んでいきましょう!
以上です。どうもありがとうございました。
(Salin sa Nihongo ni Ito Rieko)